Sunday, September 2, 2018

Wikang Filipino Pagyamanin at Tangkilikin


      Wikang Filipino Pagyamanin at Tangkilikin 


          Bilang isang magaaral ano nga ba ang Kahalagahan ng ating Wika, ang wika Filipino? Ito ay isa sa mga simbolo ng pagiging maka - pilipino . Nais kong hikayatin ang bawat mag-aaral na matutuhan at gamitin ang wikang filipino sa pakikipagtalastasan. 

         

Ang layunin ng adbokasiya ay mapag hikayat  ang bawat estudyante di lamang estudyante ngunit ng mamamayng pilipino  na gamitin an sariling wika at ito ang wikang filipino. Magsisilbi ring dalahat an ang aking adbokasyon upang maliwanagan  at matutuhan ng mga estudyante ang mga termino na maaring sa kanila ay di pa pamilyar. Sapagkat ang paggamit ng wikang ingles basihan ng pagiging matalino at mataas. ito ang aking paraan upang makapaghikayat ng aking kapwa.


Wikang Filipino, Sagisag ng ating pagka Pilipino. Simbolo ng ating pagkatao. Kaya't kapwa ko, ako sana'y inyong maunawaan. Bigyang pansin sana aking nais ipabatid. Wika na may apat na letra ngunit may malaking halaga.  

Bakit nga ba tayong mga Pilipino sariling wika natin ay kinakalimutan? Sa aking mga kapwa estudyante para sa inyo ano nga ba ang kahalagahan ng Wikang Filipino? Nais ko sanang muli nating isa puso ang importansya o kahalagahan ng ating wika. Wikang Filipino na sariling atin di mananakaw ng sino man. Ang Wikang Filipino na ilang taon na ang nagdaan siya pa ring sumasalalim sa atin.

Ang Pambasang Wika natin ay TAGALOG. T-angkilin natin sariling wika daan tungo sa pakikipag-ugnayan at pagkakaisa. A-ng wikang pambasa na isang biyaya ay marapat lamang bigyan ng halaga. G-amitin ng tama, ipalaganap upang magkaroon tayo ng magandang ugnayan. Ating pahalagahan kahit sa simpleng paraan ng tamang paggamit nito. 

L-aging isaisip at puso ang paggamit ng ating sariling wika ang Wikang Filipino. O-ras na para muli nating ipagmalaki ang sariling atin. G-awin at gamitin natin ito hindi lamang sa salita bagkus gawin at gamitin ito ng may puso para sa ating ikauunlad. 

 Ako bilang Pilipino nais kong maging isang halimbawa at boses para sa mga kabataan at nakararami upang maipalaganap ang paggamit ng ating wika ang Wikang Filipino. Sa simpleng paggamit ng ating wika sa pakikipagtalastasan ay malaki na ating magiging respeto at pag galang sa sariling atin. Sana sa paraan kong ito nawa'y maintindihan ninyo ang aking nais ipahiwatig ukol sa kahalagahan ng ating wika. Kaya't kapwa ko Pilipino simulan natin ang pagbabago at pagkakaisa tungo sa ikayayaman ng ating sariling wika. Ang Wikang Filipino Pagyamanin at Tangkilin.